“Letting go, holding on. You might get confused. Deciding who to keep, deciding who to push away when you know you can’t have both–alam ko mahirap, pero ito lang sana sasabihin ko sa’yo. Remember what we told each other before? I still think that’s true. Well at least on my part. So… get this, ikaw lang ang taong nakapagpangiti ng totoo sa kin. I think I’d do anything–if it’s for you.”
♥
*one
(Skye’s POV)
Woosh. Super excited-slash-nervous ako. Malapit nang matawag pangalan ko eh. Sana makuha ko yung part. SANA. First time kong mag-audition para sa isang TV series. Most of the time, commercial model ang trip ko. Kahit papano, umaasenso.
“Don’t get your hopes up,” sabay irap. Pinantaasan pa ko ng kilay! Aba, makatikim kaya tong Diane na to sa kin!? Porke mas sikat siya, aapak-apakan na lang niya ko? Hell no. >:P
Hmmph. Dumugin ko tong mukha nito eh… “Hindi dahil makapal ang makeup eh makukuha mo na yung part,” sabi ko. “At lalong hindi nakakapasa sa audition ang babaeng lagpas lagpas ang lipstick.”
Total panic alert ang mukha ni Diane Lapuz. Tss. Wala palang binatbat to eh. Kung siya sikat, ako, SHINING, SHIMMERING, SPLENDID. Oha? Objections?
“Miss Evangelista… Miss Angelique Skye Evangelista…” Natawag na yung pangalan ko.
I stood up. Wow poise. Hekhek. Syemps. Don’t wanna be a total turnoff. “That’s me.”
“Right this way.”
Haha. With confidence, I followed the director’s assistant. Kailangan kong makuha tong part na to. Childhood Bliss could take my career to a higher level. Childhood Bliss, yung show. Nung nabasa ko yung script, amg sweet. Haha. I really like the story, at gusto ko yung main character na girl. So here I am sa audition.
Good luck to me.
“Good afternoon po,” I greeted and the rest is blah, blah, blah about myself.
“Ako yung casting manager,” sabi ni Sir Albert Lopez. According to him, Sir Albert daw itawag ko eh. “This is Angelo Seth Sanchez. I’m sure you’ve heard of him. He’s the male lead.”
Oh my gawsh. Angelo Seth Sanchez is the male lead? Waaa…
Nagsmile siya. Yung super nakakatunaw. As in tunaw to the bones ako. “Hello,” sabi niya.
I smiled din syemps. Alanga namang simangutan. XD. “Hi.”
♥ ♥ ♥
(Angelo’s POV)
BOOOOORING. Masyadong maarte kung umarte (XD) ang mga nag-au-audition na to. Talaga. Maarte as in to the max. Isipin, yung scene sa palengke tapos kung magsalita parang nasa MOA?
May pumasok. I looked at the resume. Angelique Skye Evangelista. Pangalan pa lang mukha ng maarte eh. I looked at her. Okay, hindi pala. Simple lang siya. As in. Nakapants at blouse lang siya. Yung mga kanina, may padress-dress pa silang alam eh. Ano to? Contest na singka iksian ng dress? Mali siguro pagkabasa sa Ad.
Inintroduce niya sarili niya. Wow. Seventeen pa lang siya?
“Pano yan, your schooling could get in the way…” Sir Albert said. Haha. Ba’t ako? Nag-aaral din naman ako ah.
“Ayos lang naman po,” sabi niya. “I can maintain both my career and studies po.”
Pinabasa ni Sir Albert yung script sa’ming dalawa. Demo daw. Yung scene sa palengke. Ayun, sinabi niya yung lines niya, at nice. Pati yung facial expressions astig ah. Pero syempre, mas astig pa rin ako. XD
“Okay, I think I’ll give you a call,” sabi ni Sir Albert. And I agree.
She smiled. “Talaga po!? S-salamat po!”
Super happy naman niya. Haha. Pag-alis niya, sinulyapan ako ni Sir Albert. “So… ano sa tingin mo sa kanya?”
I shrugged. Deadma daw? XD “Ayos lang.”
Sir Albert grinned. “That’s the first positive comment of the day.”
“Is it?” tanong ko. Onga pala, lahat ng 23 girls before si Skye, iisa lang comment ko: MAARTE. SOLID. “Oo nga no…”
“I think she has the potential,” sabi ni Sir.
“Sabi mo eh…” Hmph. Mas magaling pa rin ako. The best kaya ako.
Yabang no? Ganyan talaga. Kelangan masanay.
(Skye’s POV)
End Call button.
“TANGGAP AKO!” Talon. Talon. Talon. Sigaw. Sigaw. Sigaw.
Napatigil ako nang mapansin kong lahat, titig na titig sa kin. Patay malisya akong lumakad nang dahan dahan. Syemps. Poise. Kinuha ko phone ko. Matawagan nga si Sir KELLY. Haha. Kelvin talaga full name ng binabae kong manager, pero mas prefer ng baklita yung Kelly.
“Hello?” Boses niya.
“Guess what.”
“What?”
Adik ne to. “Guess nga eh.”
“Dali na! Tama na nga yang guess, guess, chorva chena mo.”
Natawa ako. “I got the part.”
Sigaw. Sigaw. Sigaw. Talon. Talon. Talon. Oha? Hindi na ako yung nagmukhang eng eng na tatalon talon, si Sir Kelly na. Haha. Ingay niya. Sa phone pa lang niyan yan ah. XD. Akala mo ako kanina hindi maingay no? Haha.
“Great! This will be the start of your career!”
I hope so.
♥ ♥ ♥
“Manong, pakibilisan naman po,” sabi ko kay Manong Tsuper. Kaasar naman eh. Kung sanang afford ko lang yung taxi eh di di na ko nagjeep. “Di pa po ba tayo aalis?”
“Wala pang laman eh…” sabi niya.
Walang laman? “Ano ako, sabaw?” I snapped. Corny. So what? Bagal ehh. Malelate na ko sa first shooting niyan eh. Atsaka admit it, natawa kayo no? Haha.
“Miss, kung ayaw mo, BABA.”
Takte. Nakaupo na ako dito simula pa kanina, hoping na aandar yung jeep, tapos bababa lang ako? “Yung bayad ko.”
“Ayan, laklakin mo.” Tae. Menopause na kayo, Manong?
“TALAGA.”
Hmph. Bahala siya.
Padabog akong bumaba ng jeep. Bahala na. Taxi na nga lang. Kaso saktong pagbaba ko, kamalasan nga naman. Nabali yung heels ng sandals ko!
“Aray!” Takneneng na sandals to! (Word of the Day!? XD PARTY PARTY!) Galing pa to sa UK eh. Ukay-ukay. XD
Ewan ko kay Manong. Bahala siya sa buhay niya. Maubusan sana siya ng gas sa kakahintay.
Habang nag-aabang ng taxi sa daan, may tumigil na kotseng black sa harapan ko. Bumaba ang salamin nung window.
Rape! Kidnap! Holdap! Waaa! Okay, ako na’ng OA.
“Di ba ikaw si… was it Skye?”
Ha? “A-angelo Seth Sanchez?”
♥ ♥ ♥
(Angelo’s POV)
“Sino pa bang may mukhang ganito kaguwapo?” sagot ko. Kapalmukhs. Haha. “Sakay. I’m on my way sa shooting site.”
Binuksan niya yung door. Tapos sumakay siya sa passenger’s seat. “S-salamat.”
I nodded. “Wala yun, same lang naman pupuntahan natin eh.”
“Nice. Astig tong sasakyan ah,” sabi niya.
Ba syempre, sa kin to eh. XD. Spoiled brat. Bwahaha. Pinanganak talagang maswerte eh. What can anyone do? Malas nila.
“First TV series mo yung Childhood Bliss?” I asked her. Alam ko naman yung sagot niya eh. Wala lang madakdak tong bunganga ko.
“Oo. Exciting nga eh. Kaso kinakabahan ako. Tsk. Pag nakalimutan ko yung lines ko, lagot na.”
“Don’t worry. Pag nakalimutan mo, I’m here to make you remember.” Oha? Yung last statement, galing sa script yan. Syempre memorize ko na yung first quarter ng script. Ako pa, eh pro to eh.
“Corny,” sabi niya.
“Corny ka diyan. Baka pro ibig mong sabihin.”
“Harhar.”
Ah ganon? Ewan ko sa kanya. Pareho lang pala kami eh. Kalahi ko: MAKAPAL.
Chatty chat chat tungkol sa kung anu-ano. Tungkol sa mga kapatid niya at sa status in life niya. Limang commercials, isang bank account na hinuhulugan niya ng pera, isang kuya, isang ate, tatlong mas nakababatang kapatid, hiwalay na parents, nakatira sa lola niya noon sa probinsya.
“Ganon?” tanong ko. “Eh di parang ikaw na rin yung nagwowork para sa family mo?”
She shrugged. “Yup.”
Waa… Ganon?
♥ ♥ ♥
(Skye’s POV)
Nakarating na kami sa shooting site for today.
“Whoa! Sabay kayong dumating!? Uuuuieeee, may SOMETHING,” tanong nung stylist (ATA) ni Angelo.
Tapos lahat na inasar kami.
“Heh! Hindi–”
“Angel?” A voice cut in.
Tumingin naman ako. Alanga namang snob no. Haha. Pagkakita ko, I was so surprised. As in ELECTRIFIED SHOCKED sa nakita kong owner nung voice. It can’t be… Hindi pwedeng si…
“Reuji?” I asked. “Is that you?”
He smiled. “In the flesh.”
I didn’t know how to react. No idea talaga. Nakatayo lang ako dun na para bang eng-eng, nakatulala sa mukha niyang nakasmile. “Ikaw ba talaga yan?”
“Bakit? Gwapo ko na no?” hirit niya.
And I knew na siya nga yung Alexander Reuji Ieyasu na nakilala ko noon. Hindi pa rin siya nagbabago eh. May hydrocephalus pa rin siya. Laki ng ulo.
I grinned at him. “Gwapo ka naman talaga, noon pa.”
“Noon pa?” singit ni Angelo. Hmph. Panira ng moment. “You knew each other?”
“Obvious ba?” balik-tanong ko.
“SUNGIT,” sabay pang sabi ni Angelo at Reuji.
Ngumisi si Reuji. “Anong nakain mo, mangga? Medyo maasim-asim mood mo eh.”
Inirapan ko siya. Tsss. Che.
“Miss Evangelista…” sabi nung girl na lumapit sa kin. “I’m Jane. Clark Jane Loredo. I will be your stylist.”
Whoa. (Rock and roll! Personal Stylist!!)
“Tara…” yaya ni Jane. Nagpaunlak naman ako.
Sa pagkaka-alam ko, ishoo-shoot today yung scene 6 ng first episode na gagawin sa Crimson (Mall). Limang scenes kasi yung mga “batang kami” pa. Eh may klase yung mga bata, so skip muna. Dapat nga may klase rin ako eh. Absent na lang muna.
I was shocked nang makita ko yung stranger na nakatingin sa kin sa harap ng salamin. Ibang-iba yung pagkaporma ko ngayon eh. Maiksing shorts na black, boots na black din, white na blouse at black na vest. Ginupit yung buhok ko (MY HAAAAAIR). Mahaba ng one inch yung sa likod kesa sa sides. May sided bangs din. Tapos cute na white cap. Fashionista si Shane no? Pangalan yan ng role ko.
“O yan. Yan yung outfit mo hanggang scene 8.”
Grabe. Minsanang gamit. Haha. Sulitin.
Bumalik nak ko dun sa kung saan ko iniwan sina Reuji at Angelo.
“Angel?” tanong ni Reuji pagkakita sa kin.
I smiled. “Haha. Ayos no?” Umikot pa ko para makita nila yung outfit ko.
Kahit sila nakabihis na. Astigin.
“Kahit ano naman isuot mo, bagay eh,” sagot ni Reuji.
“Porke nakita mo legs niya, bagay na niya?” singit ni Angelo.
Ugh. Matatamaan sa akin ‘to’ng Angelo’ng to eh! “Heh.”
At biglang dumating si Director Tiu (Oo, may lahing Chinese).
At dito na nagsimula ang acting career ko.
*two
(Skye’s POV)
(Author’s Note: Flashback po ang buong chapter)
“Hoy Reuji! Wag ka ngang mang-iwan!” sigaw ko. Grabe. Bilis tumakbo ng taong to. Teka, tao ba talaga ‘to? Ambilis eh.
“Bagal mo kasi no!”
Pinambilisan ko na.
Para naman kaming mga momoinks na tumatakbo along the shore. Ayun. Takbo. Takbo. Takbo.
“Ouch!” TOINKS. Nadapa ako.
Tumigil naman si Reuji. Binalikan ako. Wew.
“Ang lamya lamya mo naman! Weak!” sigaw niya. Ba, siya pa yung galit?
“Ba, sino bang masyadong mablis tumakbo!?” sigaw ko rin.
“Yhh! Ewan ko sayo!” Tinulungan pa niya kong tumayo, no!? “May sugat ka ba?” (:”>)
Umiling ako. “Wala naman.”
“Sure ka?”
I nodded.
“Tara na nga. Baka sa susunod, masugatan ka na. Hambalus-balusan pa ko ng Lola Piring mo.”
Ayun. Nagdinner siya sa min.
Tapos nung gabi na, hiniram niya yung gitara ni Kuya Eldric. Pumunta ulit kami sa shore.
“Marunong kang maggitara?” tanong ko.
He smiled. “Ako pa.”
“Sige nga. Tugtugan mo ko,” hirit ko.
“Wag na. Baka mainlove ka pa sa kin.”
“Kapal! Hindi ka lang marunong!”
“O sige na nga,” sabi niya sabay smile. Eh di tumugtog siya, tapos nakatingin pa siya diretso sa mata ko. Tapos ako, super kinikilig. Gwapo kasi ng best friend ko. Hanep! Ang galing pa niya! Kumanta pa siya! Total blush alert.
Nung natapos siya, “O, ano? Ayos ba?”
I smiled and nodded. “Pang international.”
“Tsk. Syempre.”
Umuwi na siya sa kanila. Haay. Kung alam lang niya feelings ko. Simula pa nung grade 3, gusto ko na siya. Ngayon, grade 6 na kami, and we’re as close as ever.
Hm. May bukas pa naman.
“Gel, gising…” Boses ni Kuya Eldric yon ah. Nagmulat ako ng mata.
“O, Kuya? Wala namang klase ngayon ah.” Sunday today.
“Nandito si Knight in Shining Armor mo eh.” Ano na namang kaechosan ito?
Bumangon ako. Ni hindi man lang ako nag-ayos ng itsura. Pumunta ako sa sala at nakita si Reuji.
“Anung problema mo? Ang aga-aga, nambubulabog ka…” sabi ko.
“W-wala lang. Gusto mo bang lumabas today?”
“DUH. Ang init-init sa bahay. Alanga namang magkulong all day. Isa pa, pano tayo maglalaro sa loob ng bahay no? Syempre sa labas tayo maglalaro.”
“I mean… gusto mo bang lumabas with me? D-date sana…”
Napatigil ako. Tama ba narinig ko?
“Nagpaalam na ko kay Lola Piring. Kahit kay Kuya Eldric at Ate Marjorie…”
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko.
“Luluwas ng Maynila si Ate Nica. Sabay tayo papunta-pabalik,” sagot niya. Ate Nica is his ate. Kilala ako ng family niya kasi close kami.
“Big time ka ata ah. Sobra naman yun. Maynila pa.”
“Sige na,” sabi niya. “Sayang naman yung mga pinrepare ko. Bahala ka, si Carissa na lang dadalhin ko.”
“SASAMA NA KO.”
Mahaba-haba din yung biyahe no. Kaya ayun, nakatulog tuloy ako. Magkatabi pa nga kami ni Reuji sa backseat eh. Si Ate Nica, nagdadrive.
Pagkagising ko, nandito na kami! WOW! Grabihan!
“Naman…” I muttered. “Ang ganda dito…”
“Hoy, kayong 2 ah,” sabi ni Ate Nica. “Baka naman maligaw kayo.”
“Ate, sa concert lang naman kami pupunta eh.”
“Sige… yung phone mo ah.”
“YES ATE.”
And she left us.
“Concert?” tanong ko.
Reuji smiled. “Oo. Tara na. Pasok tayo.”
Pumasok na kasi kami. Wow! Daming tao! Dami ding lights! Ang gandang tignan!
“Big-time ka talaga…” I murmured.
Nagsmile lang siya. “Mag-i-start na.”
And he held my hand through the rest of the night.
The days passed. Ayun. Graduation na tomorrow. Hectic nga today eh. Nagpe-prepare na nang lulutuin si Lola Piring. Pansit lang naman lulutuin namin eh. Kesa naman sa wala. At isa pa, the best naman pansit ni Lola.
“O, may dress ka na ba para sa grad ball?” Reuji asked me habang nasa shore kami.
“Hindi na lang ako mag-aattend ng ball…” I replied. Yung graduation ball, or tawag namin grad ball, tomorrow night. After ng graduation mismo. “Wala naman akong dress. Tapos I can’t afford na magpaayos pa.”
He handed me a white box. “Para sa’yo.”
“Ha? Ano to?”
“Tignan mo na lang mamaya sa bahay.”
Nung high tide na, umuwi na kami. Pagkarating ko sa bahay, agad bukas dun sa box. OMG.
My gawsh.
Dress. Color green.
“O, huy. Ano yan?” Ate Marjorie appeared.
“Ha…? Ah… eh…”
“Wow. Ang ganda ng dress. Mukhang mahal. Saan galing?”
“K-kay Reuji…”
“Tch. Hanep talaga yung batang yon.”
Ayun. Kalkal. Kalkal. Kalkal. Nahanap namin yung high heels ni Ate noon!
“Sige, aayusan kita tomorrow.”
Tan-tan-tan-tan-tan-tan.
Natapos na yung ceremony.
“Congrats,” sabi ko kay Reuji.
“Congrats din sayo.”
Allowed umuwi yung mga bata para mag-ayos for the Grad Ball.
Inayusan ako ni Ate Marj.
Nashock ako.
“Odiba ang ganga mo?” Ate Marj said.
“Thanks, Ate. Syempre, mana sayo eh.”
“Bolero.”
Pit-pit.
Busina ng car ni Ate Nica yun ah! Lumabas na ko at nakita ko si Reuji na palabas din ng sasakyan.
“You look wonderful,” he said. Binigyan niya ko ng bouquet ng red tulips.
“Kaw rin,” sabi ko.
Ate Nica drove us to the school. Sa covered court lang gagawin yung ball eh. She dropped us off and left. Like the others, sumayaw kami ni Reuji. But mostly, we just laughed at our mistakes and stepped on each other’s foot.
Then umalis muna kami sa covered court and went to the garden. Yung may pond at fountain.
“Angel…”
“O?”
“Wag mo kong kakalimutan ah… Bawal. Kung di ipapakulong kita.”
“Baliw.” Ano na namang klaseng drama ito?
“We’re leaving tonight. Going to Japan. Luwas kaming Manila then we’ll go straight to Japan.”
And my whole world stopped moving. “Y-you mean to say… last night na natin no?”
“Halos ganon na nga…”
Pinigilan ko yung tears ko. “A-ah…”
“May gusto sana akong sabihin…” he said.
And I wondered kung gusto kong sabihin yung feelings ko. If it’s our last night… kung last na talaga to…
“Ako rin,” I said.
“Una ka na,” he urged me.
“Ikaw na.”
“Sabay?” he asked me.
The two of us nodded.
“One… two… three…” we counted.
Sabay na sabay pa naming sinabi yung mga salitang yon.
“I love you.”
*three
(Skye’s POV)
“Sige…” I smiled. “Kita tayo bukas ah,” I said and–
“CUT!” Director Tiu shouted. “Great job! Nice facial expressions Skye.” Nilapitan ako ni Direk. “Your feelings are so real–or should I say… Shane’s feelings seem so real… great job.”
“Salamat po.”
And then ayun. On my way sa dressing room… was Angelo.
Ladies and gentlemen, the impakto.
“Hey,” he said.
“Hello.”
“Hello ka diyan. Parang hindi ako yung kasama mo sa last scene, no,” sabi niya. “So… what’s the deal with you and Reuji?”
I shrugged. “Wala.”
“Ex mo siya, ‘no? I can see by the way you look at each other.”
“A-a-adik ka ba!? Hinde no!” Tss. Pakielamero.
“Then, ano mo nga siya?”
“Childhood best friend,” I answered. “Masaya ka na?”
“Ah. Dapat yata siya yung lead eh. He fits the role of Shane’s childhood friend.”
I just shrugged. “Siguro nga.”
“Sama mo,” he said. Haha. Matagal na.
“Joke,” sabi ko. “Ayos ka rin naman ah. Mapagtiyatiyagaan na.” LIE. Outstanding kaya siya! Isa pa, matagal na siya sa acting business. Bata pa lang ako, child actor na si Angelo.
“Mapagtiyatiyagaan ka diyan! Ikaw nga yung bago lang dito eh! Feeler!”
High blood. “At least kahit bago, talented.”
Behlat. “At least ako mas talented.” Kapal. Porke matagal na sa showbiz… hmph.
“Mas malaki lang naprove mo,” I said. “Syemps. Hindi naman ako papatalo.”
“Sige nga. Tignan natin kung matatapatan mmo ko.”
Haha. Adik. Ano ‘to? Singakataasan ng kanya-kanyang pride? XD Game ba!
Tiriring. Nagring yung phone ko. Si Sir Kelly. “Wait,” I said to Angelo and then answered the phone.
“O, Sir?”
“News. News. News. You’re going to an interview with Angelo Seth Sanchez tomorrow. May nagcall sa amin ng manager niya.”
Interview? “May pasok ako bukas.”
“Oh please,” Sir Kelly said. “Kaya mo namang bumawi. Ikaw pa.”
“O s-sige na nga.”
I hung up and then glanced at Angelo. I think na alam na niya yung tungkol sa interview.
“Alam mo na ba?”
“Yup. Ikaw lang naman yung late sa balita,” he said.
“Ansama mo. Bad ka…”
“Feeling grade 1 student ka naman,” he stuck his tongue out.
“Cheh.” Bahala tong mayabang na to sa buhay niya.
“San yun manager mo?” Angelo asked me.
Kung sanang walang sakit si Sir Kellu, he’d be with me right now eh. Kaso may sakit… in love ba naman.
“May sakit,” I answered. Tipid ah.
“Oh.”
“Miss Skye!” Jane called me. “Tara na. Let’s get you ready for scene 9.”
At iniwan namin si Angelo.
(Angelo’s POV)
Childhood friend pala ah.
“Angelo,” Ma’am Roxanne called me. She’s my manager.
“You know Diane Lapiz?”
I nodded. “Opo.” Duh, sikat kaya yung maarteng yun. And she auditioned. “Why?”
“She transferred sa kabilang station kasi nagalit siya na hindi siya pumasa sa audition. Now, siya yung leading lady sa katapat ng Childhood Bliss sa Channel 4.”
Whoa. Okay. “So what?”
“Mas sikat siya kay Skye. There’s a possibilityna mas tumaas and ratings ng sa kanila.”
“Mas sikat naman ako kay Diane Lapuz at sa kung sino mang mapupulot nilang male lead dun.”
“True.” HAHAHA. “Pero…” Wengkz.
“Don’t look at the negative side.”
“I have an idea eh…” Ma’am Rox said.
Parang ayoko yata yung kalalabasan ng idea na to ah. “A-anong idea?”
“Have a real relationship with her. Intimate relationship sa real-life. Agad siyang sisikat, promise.”
TOINKS. I was right. Ayoko nga yung kalalabasan nung idea. “Ha?”
“Oh come on! It’s impossible for her not to fall in love with you. AND, you’re the best actor I know.” TRUE lahat ng sinabi ni Ma’am Rox. Pero…
“Court her. Announce your love for her sa interview. Alam mo yung nangyari sa Hunger Games? Yung kay Peeta Mellark at Katniss Everdeen?”
“Yeah. I read that already… Pero… pero…”
“Oh come on,” Ma’am Rox said. “It would be best for the two of you…”
“I-I’ll think about it.”
I ignored Skye muna habang hindi nagshoo-shoot. Kumbaga sa scenes ko lang ina-acknowledge yung existence niya. After ng shooting…
“Hey, hatid na kita…” sabi ko sa kanya.
“Ha? Problema mo? Kanina nga total snob ha eh.” Tampo ba naman siya. Haha. In love nga yata sa akin to eh. Well, it would be hard for her not to fall in love with me anyway. Haha.
“Nagtampo ka naman.”
“Tampo-tampo ka diyan. Feeler mo.”
“Feeler ka diyan. Ikaw nga yung ino-offeran ng ride eh.”
“No thanks. Kasabay ko si Reuji.”
♥ ♥ ♥
(Skye’s POV)
Wow. Hanep tong sasakyan ni Reuji.
“Kelan ka pa nakauwi sa Pinas?” I asked. “At kelan ka pa naging artista?”
“I became an actor sa Japan. Pag-uwi ko dito, nalaman ko yung about sa Childhood Bliss and the male and… female lead. I was so surprised to find out that you’re an actress. Nag-audition ako. Kuha naman kaagad. Tsk. Ako pa.”
Kapal ah. “Destiny siguro na pareho tayong sumikat,” I said. Odiba? Mas makapal ako.
“Syemps,” he said. “Actor-slash-singer ako sa Japan. Actually, yung main reason ng pag-uwi ko is to find out kung magco-concert pa ako dito sa Philippines eh.”
“Bigtime.”
“Haha.”
SILENCE.
“About dun sa Grad Ball noon…” he began.
Uh-oh. Uh-oh. Uh-oh. Change topic! “Dinner ka sa bahay? Nandun sina Bless, Kathryn, at MJ.”
“Talaga? Kamusta na sila?”
“Ayun. Mas matifas ang ulo.” Whew. Buti naalis as topic.
“Si Lola Piring?”
“Naiwan sa probinsya with Ate Marj and Ate’s Husband.”
“Si Kuya Eldric?”
“Staying with me and the chikitings.”
Yeah. Lumipat kami dito sa Mania eh. Kaso ayaw umalis ni Loala Piring. So nagpaiwan. Dito kami lahat nag-aaral right now. Si Kuya nagstop noon kaya ngayon tinutuloy yung last 3 semesters niya.
“Wow. In fairness, you look happy,” sabi niya.
“I AM happy.”
“That’s good to hear,” he said.
Nakarating na kami sa bahay, to find out na andyan na lahat. Si Kuya Eldric, shocked. Si MJ na pinakabata, di siya matandaan. Si Bless na may crush sa kanya noon, hindi siya matignan. Si Kathryn hindi na rin siya maalala.
“Hi Kuya El,” kako.
“Si… si Reuji>” Kuya El asked.
I nodded.
Ayun.
Usap-usap. Nagluluto kami ni Kathryn. Si MJ (7 years old) nakakandong kay Reuji. Si Bless (13 years old), hindi matignan ng diretso si Reuji. Haha, Teenager kasi.
Kain. Lamon. Samot-samot na yata laway namin eh… hindi naman kasi kami nagserving spoon dahil sa mga bata. Wala namang pakialam si Reuji.
Haha. Namiss ko siya kahit papano.
The next day…
Jane called. Tapos nagmeet kami. She styled my hair on a loose bun. Tapos yung damit, white na casual dress. Konting makeup. Heels.
Then, Angelo showed up with Ma’am Rox–and SIR KELLY?
“Hey,” sabi ni Angelo sa kin.
Nagsmile pa siya nang bonggang bongga. Matutunaw na ko! A-anong nakain neto?
“Good morning,” bati niya. “Tara, sakay na kayo sa car ko.”
By “kayo,” he meant Jane and me. Sumakay naman kami. Aba. Gusto nila magkatabi kami, kaya here I am sa passenger’s seatr habang si Angelo sa driver’s.
“Sanay ka ba sa mga interview?” tanong niya.
Adik din to no? “Hello. First interview ko kaya to.” DUH. Alanga namang sanay.
“Ah…” sabi pa niya. “Ayos lang yan.”
Is he trying to make me feel better about the interview? Anong nakain niya? Hello? Siya ba talaga si ANGELO?
Yhh ewan.
Bahala na si Batman.
♥ ♥ ♥
I took deep breaths. Commercial pa lang. Commercial pa lang. Commercial pa lang.
“Hey, don’t be nervous,” Angelo said. “You’ll do great, trust me.”
I shook my head. “Panong hindi nenerbyosin eh first time kong–”
“Ssshhh. Be confident, okay?” He brushed the tip of his fingers slightly against my right cheek.
WEIRD.
Umupo na si Zedrick Diaz, yung baklang interviewer-slash-host ng show. “Malapit na!” Zedrick said.
Dum-dum. Total kinakabahan alert.
Angelo suddenly held my hand. “I’m here for you. Don’t let go of my hand.”
And I knew I wouldn’t.
Stop na nga ako sa pag-e-emote. 1, 2, 3… deep breath, be confident, ayan. Bongga.
“And we’re back! We have Angelo Seth Sanchez and Angelique Skye Evangelista with us for company! Palakpakan naman diyan!” Zedrick shouted.
Applause from the audiece. OHA? I smiled at them.
“Hello po,” I said. May mic akong hawak. Pati si Angelo.
“Hi!” bati ni Angelo.
“So… as we all know, there will be a new show! AND–these two will be starring as the leading roles!”
More applause.
“Okay. Tell us about the show,” Zedrick said.
Si Angelo ang sumagot. “The title is Childhood Bliss. It’s about 2 childhood friends na nagkahiwalay. Nagkaroon ng separate lives… at nagkaroon bigla ng connection na super unexpected. And about that connection… you just have to watch.”
“WOW! Talagang aabangan ko yan!”
Palakpakan. Sana design na lang ako dito hanggang–
“Miss Angelique.”
Ayts. Hanggang ngayon na lang ako design.
“Skye na lang po,” I said.
“Okay. Skye… I’ve heard this is your first TV series?”
OKAY! It’s my time to shine! “Yes. That’s why this is all very special to me. It’s a whole new experience. It’s like another world to explore. Childhood Bliss, I’m sure… will be unforgettable to me.” NOSEBLEED MUCH?
Hakhak.
“We’ll be looking very much forward to it, right!?” Zedrick asked the audience.
Palakpakan ulet.
“Time for DETAILS. DETAILS, ANGELO.”
“Yes?” sabay smile. Hanep tong Angelong to. Tch.
Anong ‘details’ to? Echos. Chorva-chena na naman. Haha.
“What… is your real relationship with Skye? Meron bang… something?”
Daming pumalakpak sa audience.
Ako? ANO DAW!? My eyes widened. SOMETHING!?
“Pwede bang skip that question?” Angelo asked, smiling GUILTILY. Like MERON NGA! Syett!
“Hindi! Hindi pwedeng skip!” Zedrick shouted, overexcited.
“Ahahaha… Ahem. I currently am courting Skye right now.”
My eyes widened. He squeezed my hand. Parang signal. I looked at Sir Kelly from the audience, na tumatango den.
“From the first time I saw her first Fruits and Scents commercial, I immediately thought of something like ‘she’s cute.’ And when I saw her on the audition… I knew it was somehow fated.”
Daming kinilig sa audience. Kahit si Zedrick kinilig eh! Tapos ako? Feel ko sasabog na ko sa feelings na nararamdaman ko! Blush. Blush. Blush. I looked down and refused to meet his eyes.
He lifted my chin gently and held my gaze. “I don’t know… but… I really like her.” Eye to eye. Blush. Urgghhhh! Kakahiya! Ano bang pinagsasasabi niya!? Nagteleport ba ko sa bagong dimension!?
“SKYE! MY DEAR! Oh my golly wow! Kelan mo naman balak sagutin si Angelo!? I mean, it’s Angelo Seth Sanchez we’re talking about! He’s got everything! Money, fame, looks!”
“Correction,” sabi ni Angelo. “I have everything except…” he looked at me
Syett! Andaming nagtititili sa audience! OMG!
“…You, Skye.”

Next “You Rock My World” series ba ‘yan? ^^ GALENG TALAGA. HANEP! Walang kupas!
ariane!!! ^^ inspiration ko dito ikaw eh! salamat. IKAW DEN NO! ASTIG KA NGA EH. \m/ ^______^
yes.! na post na din… d ko na maalala ung iba eh. dko man natapos to.. d bale dito ko ttpusin..
hahaha.
)
patapos na yung handwritten niyan.
sige, ipost ko yung finished story this summer ^^
yes! thanks
post mo na buong story dali !!
;D
kilala mo nyan ako?
ah lojon!
i love mark? owver…
sino si ilovemark? grabihan na username! haha!
si Melanie b yung IloveMark? =P
ganda kev! title pa lang gusto ko na. haha!
)
Kevyn! Favor???
yeah? ^^
pano maglagay ng photo sa story?
Tnx
mahirap explain.
kita mo yung mga icons sa taas nung work frame? yung sa taas nung kung saan ka pwede magtype? may mga icons dun, hanapin mo yung insert image
Ayaw nga ma-insert e. Shemay! Tsk3.
HOYYY! Solid kayo! Hindi ako yung ilovemark! tsaka wala naman akong kilalang MARK, MARC yung sa akin. Sus miyo garapon!
LIKE
Nyaha Kevyn..
nabitin ako syettttttttttttttt
ui kev. ngayon ko lang nakita yung picture. ang ‘cute’ naman nung lalake.,
Kev! U uupdate this one. Diba natapos na to? or patapos na to?
Nakalimutan ko na eh. Sige na. Papost naman yung buong story. Di man ako demanding noh. Lol.
hehe. Galing galing kase.
-krnz
Hahaha. Kakatamad ipost eh. Dalhin ko na lang bukas yung mga fillers.
OHMYGULLY! KEVS! Ang late ko! Ang ganda ng story mo teee! Hunger Games inspired? Ohwell. Hahahaha. Tuloy mo na! PLEASE. >:D<
Anu ba yan. Umikot na yung handwritten version niyan sa caven e.